Wednesday, January 21, 2015

Palace says Reproductive Health Law supports responsible parenting



Malacanang said on Tuesday (Jan. 20) that the Reproductive Health (RH) Law promotes responsible parenthood.

“Ang pinakamahalagang aspeto nito (RH Law) ay ang pagtuturo ng kaalaman sa ating mga mamamayan kung paano magiging responsableng magulang, sapagkat ang kinokonsidera natin dito ay ang pagbibigay sa kanila ng sapat na kakayahan na buhayin ang kanilang mga anak at magtatag ng mga matitibay na pamilya, na isa sa mga focal points ng papal visit,” Communication Secretary Herminio Coloma Jr. said.

Pope Francis, on his flight back to Rome, appealed for responsible parenting, saying that good Catholics do not have to breed “like rabbits.” He however reiterated the Church ban on contraceptives, suggesting natural family planning methods.

The government has passed a law making artificial contraceptives easily available, a move that has met opposition from the Church.

 “Sinabi ng Santo Papa na mahalaga ang pagkakaroon ng mga matatatag na pamilya, at siyempre, ang matatag na pamilya ay nakabatay sa kabutihan at sa kaalaman. Iyan din ang layunin ng patakaran ng pamahalaan,” he explained.

“Kaya’t dapat lang siguro pagkatapos nitong pagdalaw ng Santo Papa ay magkaroon ng mas maigting na pagtutulungan sa ating lipunan ang iba’t ibang mga sektor at stakeholders, para mapalakas po natin ang mga pamilya. At isa sa mga paraan dito ay ang pagkakaroon ng mga responsableng magulang.”

He noted that the Church and the government may not agree on every aspect of the RH Law but they should focus on "common ground for common action."

"Hindi po magkahalintulad sa lahat ng aspeto ang posisyon ng pamahalaan at ng simbahan at kinikilala din natin ang pagkakaiba. Pero habang may pagkakaiba, puwede namang maumpisahan na ang pagtutulungan at pagbabayanihan batay sa pinagkasunduan at pinagkaisahan,” he said.

“Kaya ‘yan ang pokus ng ating pamahalaan, ang pagkasunduan, pagtulungan ang mga aspeto na puwedeng maging batayan para matulungan natin ang nakararami sa ating mga kababayan, para magtatag tayo ng mga mas matitibay na pamilya at sa ganoong paraan ay lalong bumuti ang ating lipunan," Coloma said. (PCOO News Release)

No comments:

Post a Comment