Wednesday, February 3, 2016

Pres. Aquino praises commitment of DSWD employees, volunteers



President Benigno S. Aquino III praised the dedication of the Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) officials, employees and volunteers during the agency's 65th anniversary celebration in Malacañang Palace on Tuesday.
The President said their continued commitment to serve would inspire the future generation.
"Ang bawat butil ng malasakit ninyo sa inyong kapwa Pilipino sa kasalukuyan, paglaon, ay magbubunga ng mas malaki pang pagbabago. Lahat ng tulong ninyo sa mga benepisyaryo ngayon, mamanahin ng mga susunod pang henerasyon. Ang kalayaan mula sa gutom; kalayaan mula sa kawalan ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan; kalayaang mangarap at panghawakan ang sariling tadhana—lahat ng mga ito, bitbit nila, at ng mga susunod pa sa kanila. Talaga pong kayo ang gumagawa ng pagbabago," said the President, who also announced that the anniversary bonus for DSWD employees has already been signed.

President Aquino expressed confidence that the DSWD employees would bravely face any challenge that lies ahead.
"Sa totoo lang, napakahirap ikahon sa iisang linya ang kabuuang ambag ninyong mga social workers sa ating bayan. Pero kung papansinin natin ang simpleng logo ng DSWD, marahil, mas madali nating mauunawaan ang diwa ng inyong serbisyo. Mayroong mga kamay na tangan ang isang puso, na sumisimbulo sa bukas-palad ninyong pag-aalay ng sarili para sa kapwa. Tunay ngang kayo ang mukha ng malasakit ng ating gobyerno. Ang hiling ko na nga lang po: Sa harap ng mga darating pang pagsubok, nawa’y di kayo panghinaan ng loob, bagkus, magsilbing sandigan ng lakas ng ating mga Boss,” he said.
"Tiwala naman ako: Ipaglalaban ninyo ang ating maganda nang nasimulan. Pagbaba ko sa puwesto, buo ang loob kong itutuloy ninyo ang pagtahak sa landas tungo sa pangarap nating kaginhawaan para sa Pilipinas at sa sambayanang Pilipino."

He said the DSWD has enough funds to improve its services, especially when natural disasters strike.

"Ngayon po, kitang-kita na ang pagbabago sa inyong ahensiya. May sapat na tayong pondo, kaya’t di na kailangan ng malawakang panawagan para sa mga donasyon. Kapag sinabing DSWD, ang agad nang maiisip: handang-handa at alisto. Kababalita pa lang na may paparating na bagyo, automatic na ang prepositioning ng ayuda. Nariyan ang buong ahensiya, kumpleto ang datos, para makapaghanda nang tama at maayos," said the Chief Executive, who also lauded the leadership of Social Welfare Secretary Dinky Soliman.

He noted that more households have benefitted from the increase of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) budget from P10 billion in 2010 to P62 billion in 2015.

"Ang dinatnan nating bilang ng benepisyaryo, mula 787,000 kabahayan, ngayon ay nasa 4.4 milyon na. Para sa taong ito, itinaas pa natin ang budget nito sa P62.7 bilyon, para sa target nating 4.6 milyong kabahayang benepisyaryo," he said.

President Aquino also cited the Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive Integrated Delivery of Social Service (KALAHI-CIDSS), which is a community-driven development program.

"Ang KALAHI-CIDSS project naman, pinatibay din natin. Dito, ang mga maralitang komunidad ang sinasanay para mag-isip, magpatupad, at mangasiwa sa mga lokal na proyektong sila rin mismo ang tumukoy. Halimbawa sa mga ito: kalsada, patubig, paaralan, barangay health stations, at mga pasilidad pansaka. Mula Hulyo 2010 hanggang Disyembre 2015, umabot na sa 16,282 na proyekto ang nakumpleto natin, na direktang nakatulong naman sa tinatayang 3.9 milyong kabahayang benepisyaryo. Dulo po nito: Di lang natin natugunan ang mga agarang pangangailangan ng ating mga Boss, binibigyan din natin sila ng kakayahang maitaguyod ang mas magandang kinabukasan," said the President. (PCOO News Release)

No comments:

Post a Comment