Lahat
ng mga tauhan ng Provincial environment and Natural Resources o PENRO,
Community Environment and Natural Resources o CENRO sa ilalim ng DepaRTMENT OF
Environment and Natural Resources o DENR Onse, at City Environment and
Natural Resources o CENRO sa limang siudad sa rehiyon ang may kanya kanyang
pagdiriwang ng World and National Wet Lands Day sa Martes, ika dalawa ng
Pebrero.
Ayon
kay Marygelinne Arguillas, hepe ng Protected Areras Management Biodiversity
Conservation o PAMBC ng DENR Onse sa palatuntunang, “Tinig Kalikasan, sa Radyo
ng Bayan Davao, na lahat ng mga opisyal nglocal
na pamahalaan ng mga probinsya sa Davao del norte, davao del sur, davao
occidental, davao oriental at compostela valley provinces ay may kanya kanyang
aktibidad, tulad ng pagtatanim ng mangrove o bakawan sa mga baybaying dagat,
maging sa mga tabing ilog at paglilinis ng mga kanal sa mga
komunidad.
Ang
tema ng selebrasyon sa taong ito ay “Sustainable livelihood”.
Sabay
ding nanawagan si Arguillas, sa mamamayan na alagaan at protektahan ang mga
bakawan o mga punong naitatanim sa mga tabing dagat at ilog at panatilihing
malinis ang kapaligiran para sa kanilang kapakanan.
No comments:
Post a Comment